Naglabas ng pahayag ang talent management agency ng celebrity couple na sina Catriona Gray at Sam Milby kaugnay sa isyung umaaligid sa kanilang dalawa.

Sa Facebook post ng Cornerstone Entertainment nitong Miyerkules, Pebrero 28, sinabi nila na totoo raw na humaharap sa pagsubok ang relasyon nina Sam at Catriona.

“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together,” pahayag ng Cornerstone.

Kasabay nito, humiling ang management na sana ay irespeto ng publiko ang privacy ng nina Catriona at Sam habang sinusubukang ayusin ang gusot sa pagitan nilang dalawa.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple,” dugtong pa nila.

Matatandaang nagsimulang umugong ang balita na hiwalay na umano si Catriona sa fiancé nitong si Sam Milby nang mapansin ng mga netizen na may mga pagkakataon daw na hindi suot ng beauty queen ang kaniyang engagement ring.

Lalo pang lumakas ang kanilang kutob nang talakayin sa showbiz-oriented vlog ni Ogie Diaz ang nasabing balita nang bulungan siya ng kaniyang source tungkol sa real score ng dalawang engaged couple.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Catriona at Sam, hiwalay na raw