Tila pinatutunayan nina Maris Racal at Anthony Jennings ang pagiging mahusay na mga artista dahil ang kanilang iconic "mama mo" scene sa teleseryeng "Can't Buy Me Love," ay wala raw sa script!

Sa TikTok account ng "Ang Walang Kwentang Podcast" ng mga filmmaker na sina Antoinette Jadaone at JP Habac, ibinahagi nila ang clip kung saan ikinuwento ni Maris ang tungkol sa nasabing eksena.

"[Sabi ko], 'who's your date?' sabi niya, 'mama mo.' Guys, wala 'yon sa script!" kwento ni Maris.

"Ah wala 'yon sa script din? ay iba ang galing," puri naman ni Jadaone.

'Sapaw sa DonBelle?' Chemistry nina Maris at Anthony, bet ng netizens

Dagdag pa ni Maris, "Tapos na-taken a back ako kasi parang ha? wait lang gets ko 'yung mama mo eh tapos tatawa ba dapat ako... tapos wait si Irene ako! Sabi ko, 'Ha? what's mama mo?' sabi ko sa kaniya, 'mama ko?' tapos sabi niya, 'Oo, mama mo!'"

"Ang ganda parang 'birthday mo?'" sey pa ni Jadaone.

Umaani ngayon ng mga papuri at magagandang feedback ang tambalan nina Maris at Anthony.

Swaktong-swakto raw ang dalawa kapag nagsama na ang dalawa sa eksena, at bagay na bagay raw sa “rom-com” o romantic comedy themed project.