Muling natalakay sa showbiz vlog nina Ogie Diaz kasama ang co-hosts na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh ang tungkol sa tsikang hiwalay na rin ang engaged couple na sina Catriona Gray at Sam Milby.

Kumalat ang tsikang ito nang mapansin ng mga marites na paminsan-minsan, hindi suot ng Miss Universe 2018 ang engagement ring na bigay sa kaniya ng Kapamilya actor.

Pero tila in a subtle way ay pinabulaanan ito ni Cat matapos niyang mag-post ng random photos sa Instagram na naka-tag pa kay Sam.

Ngayon daw, ayon sa source ni Ogie, nasitsit daw sa kaniya ng source niya na hiwalay na raw ang dalawa.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Heto na nga, meron naman sa aking nagtsika, ano ba 'yan, sa totoo lang gusto kong managinip eh no, para at least kabaligtaran talaga... may nagtsika lang sa akin, pero itatanong pa rin natin sa kanila, baka nagmamahadera tayo rito, ano ba talaga ang real score Sam Milby at Catriona Gray? Sa akin, may nagsabi 'Uy wala na sila Ogie,'"

Nagulat daw si Ogie tungkol dito dahil noong isang araw daw ay magkasama pa silang dalawa.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag sina Catriona at Sam hinggil sa isyu.