Sa kabila ng mga umiikot na tsikang hiwalay na rin ang engaged celebrity couple na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Kapamilya heartthrob Sam Milby, usap-usapan naman ang Instagram post ng aktres na si Isabel Oli, misis ng Kapamilya actor-director na si John Prats.

Makikita sa Instagram post ni Isabel na magkakasama silang apat in one frame sa isang trade-launch event ng Cornerstone.

"My very first trade-launch gathering with my @cornerstone clan. I was somewhat anxious about taking the little walk during the program, but my seatmates @catriona_gray @samuelmilby @charissetinionp @iamjusyoung and my husband @johnprats gave me encouragement and helped me feel more confident. What an amazing evening! Had a great time," anang Isabel.

โ€˜Immortal love?โ€™ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Mapapansing magkatabi naman sina Sam at Catriona at tila wala namang problema.

Pero napapatanong naman ang mga netizen dahil hindi porket magkasama raw, nagbibigay ito ng garantiyang sila pa.

Kagaya raw ng mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones na dumadalo pa sa mga showbiz event, iyon pala ay 2019 pa hiwalay bilang couple pero napanatili pa rin ang pagkakaibigan.

Lumutang ulit na hiwalay na raw ang dalawa dahil sa sitsit ng source ni Ogie Diaz, na tinalakay nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh sa kanilang showbiz vlog.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Catriona at Sam, hiwalay na raw

So, abangers na lang ulit sa kumpirmasyon nilang dalawa!