Nagbigay ng latest update ang isa sa mga host ng “Cristy Ferminute” na si Romel Chika tungkol kay TV host-actress Karla Estrada.

Sa isang episode kasi ng nasabing programa, hindi naiwasang usisain ni showbiz columnist Cristy Fermin si Karla kay Romel. 

“Ano namang kuwento tungkol kay Miss Karla Estrada, Romel?” 

“Naku, super pinag-uusapan ang kaniyang pamumudmod, pamimigay ng ayuda sa ating mga kababayan which is napakaganda no’n para magpabango ng career ng kaniyang anak,” tugon ni Romel.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nabanggit din ni Cristy na tila si Karla raw ang tinutukoy sa isang blind item na kumakalat tungkol sa isang personalidad na “nilalabas daw ang kakimian ng bestfriend ng anak para lang mailigaw ‘yong publiko.”

“Totoo kaya ‘yon? Siya nga kaya ‘yon?” paniniyak ng showbiz columnist.

“E, ito na nga sinasabi nila na dapat itong pamimigay niya e natapat naman daw sa pagpapabango ng kaniyang anak dahil sa panay negatibong mga balita, ito raw ang paraan para bumango,” tugon ni Romel.

“May nag-comment din na: ‘Sana noon pa ginawa ‘yan para ‘di naligaw ng landas ang iyong anak’,” dugtong pa niya.

Pero para kay Cristy, hindi naman daw naligaw ng landas si Daniel dahil hindi naman ito nagpakasama o nagpakalulong sa mga bisyo.

Siguro, ang ibig lang daw sabihin ng netizen, sana raw mula pa pagkabata ay hinulma na ni Karla ang anak para hindi na siya naglilinis pa ng mga kalat nito.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na tugon, reaksiyon, o pahayag ang panig ni Karla hinggil sa bagay na ito.