Tila hindi na raw bet ni award-winning actor John Lloyd Cruz na muling makasama si Kapuso star Bea Alonzo sa pelikula.
Sa latest episode kasi ng “Cristy Ferminute” nitong Biyernes, Pebrero 23, sinabi ni showbiz columnist Cristy Fermin na tinanggihan umano ni John Lloyd ang movie reunion nila ni Bea.
Ayon sa mga tagasubaybay ng programa ni Cristy, ayaw raw kasing madikit ni John Lloyd sa nega image ng aktres ngayon lalo na raw nang lumabas ang tunay na kulay nito.
“‘Medyo nga po kasi nega ang image ni auntie Bea ngayon. Kaya maraming ayaw nang makatambal siya lalo nang lumabas ang true colors nito ni auntie,’” basa ni Cristy sa komento.
Segunda naman ng isa pang tagasubaybay: “‘Hindi pa napapanahon ang muling pagtatambal ni Bea at ni John Lloyd. Linisin muna ang mga kalat sa bakuran bago matuloy ‘yan.’”
Matapos kasing makumpirma ang hiwalayan nila ni Dominic, nagsulputan ang mga isyu at intriga tungkol kay Bea.
MAKI-BALITA: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!
Samantala, sa isang bahagi naman ng programa, nausisa sina Cristy at ang co-host niyang si Romel Chika kung ano raw ba talaga ang totoong dahilan kung bakit hindi natipuhan ni John Lloyd si Bea.
Sa palagay ni Romel, masyado na raw kasing magkakilala ang dalawa. Ilang taon naging magkatrabaho at nagkasama sa mga proyekto kaya alam na nila kung ano-ano ang mga ayaw nila sa isa’t isa.
Pero sa paniniwala ni Cristy: “Gaano man kagwapo o kaganda ang isang tao, kung talagang hindi siya ‘yong ka-swak ng puso mo, walang dating. Samantalang hindi naman ‘yan ang gagamitin nating barometro, ‘di ba.”
“Mayroon ‘yong nagkita lang minsan, mayroon na kaagad. Nagugustuhan na nila ang isa’t isa. Pero ito sa tagal na panahon, puro ang movies pa nila matagumpay. Pero walang nangyari,” dugtong pa niya.
Matatandaang noong 2022 ay kinumpirma ni Bea ang muling pagbabalik-tambalan nila ni John Lloyd sa pelikula sa ilalim ng Star Cinema.
MAKI-BALITA: Kahit Kapuso na! Bea, John Lloyd muling magtatambal sa isang pelikula ng Star Cinema