Hawak na ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Indonesian na sangkot umano sa human trafficking sa Jakarta.

Sa pahayag ni BI Commissioner Norman Tansingco, nakilala ang dayuhan na si Aris Wahyudi, alyas Romeo, 43.

Sinabi ni Tansingco, inaresto ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) si Wahyudi sa Salcedo St., Legaspi Village, Makati City, nitong Martes sa bisa ng inilabas niyang mission order bilang tugon sa paghingi ng tulong ng Indonesian government upang mai-deport ang dayuhan.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Naiulat na naglabas ng warrant of arrest ang Indonesian national police laban kay Wahyudi nitong Enero 18.

Sinabi ng BI, sangkot umano si Wahyudi sa isang human trafficking syndicate na nagre-recruit ng mga Indonesian upang magtrabaho sa Cambodia kahit walang sapat na dokumento.

“As a foreigner accused of human trafficking, his presence here poses a serious risk to our poor countrymen who might also fall prey to his illegal scheme,” dagdag pa ni Tansingco.

Pansamantalang nakakulong si Wahyudi sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig habang isinasailalim sa deportation proceedings.