Nausisa ng content creator na si Morly Alinio kay action star Jeric Raval kung nagsasama na raw ba ang anak niyang si AJ Raval at ang jowa nitong si Aljur Abrenica.

Sumalang kasi si Jeric sa latest vlog ni Morly nitong Biyernes, Pebrero 23, at doon niya tinugon ang naturang tanong.

“Magkasama sila ngayon,” sabi ni Jeric.

Ayon pa sa aktor, wala raw katotohanan ang kumakalat na balita tungkol sa napipintong pakikipagbalikan ni Aljur sa dati nitong asawang si Kylie Padilla.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Hindi naman. Lagi naman silang magkasama araw-araw. Kapag uuwi ng Pampanga ‘yong isa, nasa Pampanga lang sila. Kung saan uuwi ‘yong isa, nandoon din. ‘Di naman sila naghihiwalay,” saad niya.

Masaya rin daw si Jeric sa relasyon ng anak nito kay Aljur. Lagi raw niyang sinasabi kay AJ na kung anoman ang ikakasaya nito ay siya ring ikakasaya niya.

“Syempre ‘pag malungkot siya, malungkot din ako,” ani Jeric.

Pero kahit nagsasama na sina AJ at Aljur, nilinaw ni Jeric na hindi raw buntis ang kaniyang anak. Gusto raw muna nitong magpahinga sa showbiz kaya hindi nakikita sa kasalukuyan.

Sa naunang bahagi ng panayam, napag-usapan din nina Jeric at Morly ang tungkol sa hiling niya kay Aljur na pakasalan nito si AJ.

Matatandaang nauna nang binanggit ni Jeric sa “Fast Talk with Boy Abunda” ang tungkol sa bagay na ito.

MAKI-BALITA: Jeric Raval kay Aljur Abrenica: ‘Pakasalan mo ‘yung anak ko’