Nasawi ang isang babaeng senior citizen at anak na lalaki makaraang masunog ang isang residential area sa Mandaluyong City nitong Biyernes ng gabi.

Sa pahayag ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang mag-ina ay natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay matapos ang halos tatlong oras na sunog na nagsimula sa Backside St., Barangay Vergara, dakong 11:13 ng gabi.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na naapula nitong Sabado, dakong 2:06 ng madaling araw.

Inilikas ang mahigit sa 100 pamilya sa Isaac Lopez Integrated School at sa kalapit na covered court habang hinihintay pa ang tulong ng pamahalaan.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng insidente.