Napatay ang isang lider ng New People's Army (NPA) at apat na miyembro nito makaraang makasagupa ng militar at pulisya sa Purok Matin-ao 2, Brgy. Campagao, Bilar, Bohol nitong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Philippine Army (PA) Spokesperson Col. Louie Dema-ala, kabilang sa napatay si Domingo Jaspe Compoc, alyas Silong, dating commanding officer ng Sandatahang Yunit Pangpropaganda (SYP) Platoon ng Communist Party of the Philippines (CPP)-NPA Bohol Party Committee (BPC) at may patong sa ulo na ₱2.6 milyon.

Matagal nang pinaghahanap ng batas si Compoc dahil sa patung-patong na kaso, kabilang ang rebellion, homicide, attempted homicide, multiple murder, frustrated murder at robbery.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kabilang din sa napatay sina Parlito Segovia, alyas Aldrin, assistant squad leader at political guide; Marlon Omosura, alyas Darwin, squad member; Hannah Joy Cesista, alyas Maya o Lean; at isang "Juaning" na isa ring squad member.

Nasawi rin sa sagupaan si Police Corporal Gilbert Amper at nasugatan naman ang kasamahang si Corporal Gerard Rollon na isinugod sa Congressman Simeon Toribio Memorial Hospital.

Dakong 6:45 ng umaga nang magsimula ang sagupaan ng 47th Infantry Battalion, 21st Special Forces Company ng Philippine Army at PNP Provincial Mobile Force Company (PMFC- Bohol) at mga miyembro ng BPC ng CPP-NPA.

Narekober sa encounter site ang isang M16 Baby Armalite, isang R4 M16, isanng M16, at tatlong caliber .45 pistol.

May dagdag na ulat ng PNA