Nakatanggap ng pinakamataas na "distrust" rating ang Department of Transportation (DOTr), base sa isinagawang survey ng OCTA Research noong Disyembre 2023.
Ayon sa resulta ng “Fourth Quarter Tugon ng Masa Survey,” na isinagawa noong Disyembre 10 – Disyembre 14, nakakuha ng pinakamataas na "distrust rating" ang DOTr na may 19%.
Sinundan ito ng Department of Trade and Industry (DTI), 16%; at Commission on Higher Education (CHED), 13%.
Samantala, nakakuha naman ng pinakamataas na "trust rating" ang Department of Education (DepEd) na may 84%.
Ang naturang survey ay isinagawa nang face-to-face interview na may 1,200 adult respondents sa buong bansa.