Sa resulta ng isinagawang survey ng OCTA Research noong Disyembre 2023, lumabas na ang Department of Education (DepEd) ang "most trusted government agency."
Lumabas sa resulta ng “Fourth Quarter Tugon ng Masa Survey," na isinagawa noong Disyembre 10 - Disyembre 14, nakakuha ng highest "trust rating" ang DepEd na pumalo sa 84%.
Sinundan ito ng Commission on Higher Education (CHED), 83%; Department of Social Welfare and Development (DSWD), 82%; Department of Health (DOH), 80%; at Department of Public Works and Highways (DPWH), 75%.
Samantala, nakatanggap naman ng highest "distrust" ratings ang Department of Transportation (DOTr) na 19%.
Ang naturang survey ay isinagawa nang face-to-face interview na may 1,200 adult respondents sa buong bansa.