Ibinahagi ng singer na si Kyla Alvarez na nakunan ulit siya, sa ikalimang pagkakataon, noong Disyembre 2023.

Ikinuwento niya ito sa kaniyang guesting sa "Magandang Buhay" kasama ang mister na si Rich Alvarez.

Aniya, ang pinaka biggest challenge nilang mag-asawa ay mabigyan ng kapatid ang anak niyang si Toby na ngayo'y 10 years old.

"For us 'yong biggest challenge would be giving Toby a sibling. We've been struggling for years and years and years. It's been really hard, especially very recent lang 'yong sa amin eh. Just before Christmas actually I suffered another one. So, ‘yon 'yong biggest challenge," paglalahad ni Kyla.

‘Unimaginable’: Kyla, nagdadalamhati ngayon matapos makunan sa ikaapat na pagkakataon

"But I am also very grateful and thankful kasi at least nabigyan kami ng isa at kung madadagdagan pa, bonus na lang 'yon," dagdag pa niya.

Thankful din daw siya na si Rich ang ibinigay sa kaniya ng Diyos.

"Kaya siguro siya rin ang ibinigay sa akin ni Lord, si Rich, kasi I don't think anyone would love me like the way he loves me or ever will love me. Parang feeling ko mahirap kasi akong mahalin. Siya lang talaga yung magmamahal sa akin ng ganito. So I am just really thankful," ani Kyla.

Matatandaang dalawang beses nakunan si Kyla noong 2018, isa pang beses noong 2021, at isa rin noong 2022.

Taong 2011 nang ikasal ang Kapamilya singer sa basketball star na si Rich Alvarez. Nabiyayaan naman sila ng anak noong 2013.