Maganda raw magdala ng problema ang aktor na si Dominic Roque dahil tila hindi halata sa hitsura nito ang mabigat na pinagdadaanan sa buhay.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Pebrero 19, pinuri ni showbiz columnist Cristy Fermin ang paraan ni Dominic sa pagha-handle ng problema.

“Maganda ‘yang ginagawa na ‘yan ni Dom. Tama ‘yan, tama ‘yan. ‘Ika nga, e, kapag may nawawala sa ating buhay hindi tayo magmumukmok sa isang sulok at habang-panahon na lang natin alalahanin ‘yong sugat,” saad ni Cristy.

“Kailangan nating humanap ng gamot, ‘di ba. Para ‘yong sugat lumiit at maging peklat na lang. Gano’n lang kasimple ‘yon,” aniya. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, sa unang bahagi ng programa, nabanggit din ni Cristy si Bea Alonzo na sinorpresa daw ng kaniyang mga staff noong Valentine’s Day.

Matatandaang kinumpirma ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda ang hiwalayan nina Dominic at Bea matapos umugong ang bulung-bulungang hindi na raw matutuloy ang kasal ng dalawa.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!

Pagkatapos ng nasabing kumpirmasyon, nagsalita si Bea tungkol sa bagay na ito sa pamamagitan ng social media post.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, binasag na katahimikan sa hiwalayan nila ni Dominic Roque