Nagbigay ng latest update ang showbiz insider na si Ogie Diaz tungkol sa real score nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Sa bagong episode ng kaniyang showbiz-oriented vlog nitong Linggo, Pebrero 18, ibinahagi niya kaniyang narinig umano tungkol sa dalawa.

“May narinig lang naman ako [...] Si Paulo Avelino at si Janine Gutierrez ay—nakakaloka, sana hindi totoo—split na raw ‘yong dalawa ulit,” saad ni Ogie.

“‘Yan ay sabi lang ng aking nakausap. At ‘yan ay kailangan nating marinig mula sa bunganga ng kabayo. Straight from the horse's mouth, ‘ika nga,” aniya.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Pero sa ngayon, hindi pa raw niya alam kung anong rason sa likod ng hiwalayan nina Paulo at Janine. 

“Parang ano rin ‘to, Bea-Dom. Hindi natin alam kung anong rason basta ‘yan lang ang nakarating sa atin [...] Pero ‘di pa ‘yan confirmed, ha. Narinig ko lang po ‘yan,” dugtong pa niya.

Matatandaang nakitaan ng chemistry sina Paulo at ang aktres na si Kim Chiu simula noong gumanap sila sa Prime video na “Linlang”. Nasundan pa nga ito ng isa pang proyekto sa ilalim naman ng Viu at ABS-CBN na ipo-produce ng Dreamscape Entertainment.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘Linlang’: Paulo, Kim posibleng magkatuluyan?

Dahil dito, umugong tuloy ang bali-balita na hiwalay na raw sina Janine at Paulo kahit wala pa namang opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

MAKI-BALITA: Janine, Paulo, split na?

Pero inamin ni Janine sa isang panayam na may espesyal na ugnayan daw na namamagitan sa kanila ni Paulo.

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, inaming ‘espesyal’ ang namamagitang ugnayan nila ni Paulo Avelino

Sa katunayan, nanligaw pa umano sa kaniya ang aktor.

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, inaming niligawan ni Paulo Avelino noon; ano ang score ng relasyon nila ngayon?

Isang buwan matapos maiulat ang tungkol sa kanilang hiwalayan, kasunod namang lumutang ang balitang nagkabalikan umano ang dalawa.

MAKI-BALITA: Paulo Avelino, Janine Gutierrez nagkabalikan na?