Hinangaan ng mga netizen ang elementary teacher na todo-bigay ang suporta sa kaniyang mga estudyante habang may programang ginaganap sa kanilang paaralan.

Sa ibinahaging video ni Jhonna Nebrida Lasaca sa kaniyang TikTok account kamakailan, matutunghayang sinasabayan niya sa pagsayaw ang mga batang nagpe-perform sa stage.

Dahil sa ginawang ito ni Ma’am Jhonna, tila ganadong-ganado rin ang mga bata sa kanilang pag-indak.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Malaking bagay talaga ang suportang ibinibigay ng guro sa kaniyang mga mag-aaral. Ito kasi ang magiging tulak sa kanila para pagbutihin pang lalo ang anomang ginagawa sa loob o labas man ng paaralan.

Kaya naman, hindi napigilan ng mga netizen na magbahagi ng kani-kanilang reaksyon sa naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“ang gling ng teacher salute mam🥰🥰”

“bakitt noong kami ang elementary mga teacher namin pa-retire na😭😭”

“swerte Ng mga studyante ngayun , bagets mga teacher Nung samin dati, hays 😂”

“elementary teacher? kala ko high school student”

“pag kau ay nd pa natuto..kming mga father nyo ang papasok jan 😂😂😂”

“kung e2 teacher q nuon cguro Hanggang ngaun elementary prin aq waaaahaha 😂😂😂✌️”

“👏👏👏DepEd, pls take care these dedicated teachers.”

“Its not just all qbout her profession, but it’s also her passion🥰🥰🥰🥰”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 6.6M views at 474.2K likes ang ibinahaging video ni Ma’am Jhonna.