Hindi rin nakaligtas si “I Am Not Big Bird” star Enrique Gil sa hirit ni dating “Little Miss Philippines” Ryzza Mae Dizon.

Sumalang kasi si Enrique sa isang segment ng “Eat Bulaga” na “Peraphy” matapos niyang i-promote ang kaniyang pelikula nitong Sabado, Pebrero 17.

Kapansin-pansin ang kilig ni Ryzza nang ipakilala na niya ang sarili sa aktor. Lalo pa siyang natuwa nang purihin siya nito.

“Ang cute mo. Grabe,” saad ni Enrique.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“Thank you,” natutuwang tugon ni Ryzza.

Binuking pa si Ryzza ng kaniyang kasamang “Dancing Queens” na si Miles Ocampo nang sabihin nito kay Enrique na sobrang crush daw ng dating “Little Miss Philippines” ang aktor.

Pero sa halip na mailang, bumanat pa ng pick-up line si Ryzza kay Enrique.

“Quen ka ba?” 

“Bakit?” usisa ni Enrique kay Ryzza.

“Pwede ka bang maging a-Quen [akin]?” 

Napuno naman ng sigawan at tawanan ang buong studio dahil sa binitawang pick-up line ni Ryzza. Humingi naman agad siya ng paumanhin sa anak ni Aga Muhlach na si Andres Muhlach.

Matatandaan kasing kamakailan lang ay hiniritan din ni Ryzza si Aga nang sumalang ang heartthrob actor sa nasabing segment.

MAKI-BALITA: Ryzza Mae Dizon, may hirit kay Aga Muhlach: 'Pick me po'

MAKI-BALITA: Andres Muhlach pinag-aagawan nina Ryzza Mae Dizon, Vice Ganda