Tila wala pa ring pumapasa sa kwalipikasyon ni social media personality Rendon Labador na naghahanap ng executive assistant.

Sa latest My Day kasi ni Rendon nitong Sabado, Pebrero 17, naglapag siya ng salary update para sa hinahanap niyang bagong EA.

“Dahil ang tatanga pa rin ng mga applicant na nasa range ng 25k salary, itataas na po natin ang offer. 35k na po ang offer,” saad ni Rendon.

“Sana wala ng tanga sa ganyang range,” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Muli binigyang-diin ni Rendon ang kaisa-isahang requirement sa nasabing posisyong iniaalok niya:  “Isa lang requirement, ‘yong hindi tatanga-tanga.”

Samantala, matatagpuan naman ang kaniyang opisina sa Quezon City.

Matatandaang bago pa man ito ay nauna na siyang mag-post ng tungkol dito sa kaniyang Facebook account noong Biyernes, Pebrero 16.

MAKI-BALITA: Rendon Labador, naghahanap ng EA na hindi tat*nga-t*nga; suweldo, alamin!