Tinanggihan ng International Olympic Committee (IOC) ang hiling ni dating Senador at boxing icon Manny “Pacman” Pacquiao na sumabak sa Paris Olympics.

Ayon sa Philippine Olympic Committee (POC) nitong Linggo, Pebrero 18, tinanggihan ng IOC ang kanilang request letter para makasali si Pacquiao dahil overaged na raw ito.

Iginiit umano ng IOC ang kanilang age limit na 40-anyos para sa mga atletang sasali sa Olympics.

Nasa 45-anyos na raw ang boxing icon.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Si Pacquiao ay dating eight-division world professional champion at itinuturing na “Pambansang Kamao” sa Pilipinas.