Tila may lumulutang na bagong kuwento tungkol sa nakaraang hiwalayan nina ex-celebrity couple Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Linggo, Pebrero 18, napag-usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika ang tungkol sa bagay na ito.

“‘Yong kay Gerald Anderson, kaawa-awa ang batang ito noong sila’y maghiwalay ni Bea dahil ‘yong bintang sa kaniya ay ghosting,” saad ni Cristy.

“Ang sabi po no’n ni Bea Alonzo, sila pa raw ni Gerald hindi raw niya alam na may pinasok na Julia Barretto, ‘di ba,” aniya.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

“Kaya doon pumasok ‘yong salitang ghosting. Na kung tutuusin, kay Bea lang naman nanggaling ‘yong salitang ghosting,” sey naman ni Romel.

Nakipag-collab daw kasi si Bea sa mga vlogger noong mga panahong nagkalamat na ang relasyon nila ni Gerald para ilahad sa publiko ang kaniyang panig.

Pero sa naging pagsisiyasat nina Cristy, lumilitaw na tila parehong ghinost ng dalawa ang isa’t isa.

“Mayroon po kaming tiningnan na mga dates [...] Sa isang panayam ni Dominic Roque, sinabi niya na 2019, nagde-date na sila ni Bea Alonzo pero magkaibigan pa lang at wala pang malinaw na relasyon. 2019,” lahad ni Cristy,

“Tapos pinatingnan natin kung kailan naman nagkasama si Julia Barretto at Gerald Anderson, 2019 din. At nagsimula na rin ‘yong pag-uugnay sa kanila. So, ano pong ibig sabihin nito? 2019 sila pareho. Mayroon na pala silang pinagkakaabalahang iba. Eh ‘di pareho silang nang-ghosting,” dugtong pa niya.

“Malamang!” segunda naman ni Romel

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag ang panig nina Gerald at Bea para kumpirmahin o pabulaanan ang nasabing isyu.