Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Pebrero 18, na ang easterlies o mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko ang patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa.

Sa weather forecast ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, iniulat ni PAGASA Weather Specialist Grace Castañeda na makararanas ng “generally fair weather” condition ang malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo.

“Maliban na lamang ‘yan sa mga tsansa pa rin ng mga isolated na mga pag-ulan dulot ng mga localized thunderstorms,” ani Castañeda.

Kaugnay nito, inihayag ng PAGASA na malaki ang tsansang makararanas ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Posible raw ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalakuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).