Kalat na sa social media ang isang video clip kung saan kumakanta ang fan girling na si Kapamilya Star Kathryn Bernardo ng hit song na "We Are Never Ever Getting Back Together" ni Taylor Swift, na live na nag-perform sa Eras Tour nito sa Australia.

Lumipad pa-Australia si Kath para mapanood ang Eras Tour ni Taylor na talaga namang patok na patok at dinarayo ng mga Pinoy, kahit mahal ang ticket bukod pa sa air fare, hotel accommodation, at iba pang travel expenses. Gastos kung gastos talaga!

At naaktuhan ngang ibinida ni Kath ang pagkanta niya ng "We Are Never Ever Getting Back Together" na sey ng mga netizen ay parang parinig sa kaniyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla, na kamakailan lamang ay pumirma ulit ng kontrata sa Star Magic at ABS-CBN.

Ibinahagi ito sa X ng isang fan-based account.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"With feelings ahhh! Napapanahon yung kanta."

"G na G na naman ang mga kilig delulu KN fans. Ayaw nila ng ganiyang song! Gusto nila Growing Old With You."

"Sure ka dyan ah? Tandaan namin yan. Periodt."

"Kumanta lang naman. May issue agad😂."

"Gamit na gamit si Mareng Taylor."

Matatandaang kinumpirma ng KathNiel ang kanilang hiwalayan noong Nobyembre 30, 2023.