Usap-usapan ang pag-Instagram story ni Kapuso actor Xian Lim sa isang quote card kung saan mababasa ang pahayag ni "Haruki Murakami," isang Japanese writer.

Mababasa rito, "But we cannot simply sit and stare at our wounds forever."

Photo courtesy: Xian Lim (IG)/via Fashion Pulis

Bagama't wala namang ibang text captions, ipinagpalagay ng mga netizen na ito ang sagot niya sa isyung may ipinalit na kaagad siya sa kaniyang ex-girlfriend na si Kapamilya star Kim Chiu.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Matatandaang napag-usapan sa "Ogie Diaz Showbiz Update" kamakailan ang ilang mga umano'y viral photo ni Xian kasama ang isang taga-Viva na si Iris Lee, na nauna nang naiugnay sa aktor.

Anyway, wala pang kumpirmasyon mula kay Xian o Iris kung ano ba talaga ang real score sa pagitan nilang dalawa.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz may tanong kay Xian Lim: ‘Sino si Iris Lee?’