Nagsalita na rin ang social media personality na si Agassi Ching tungkol sa hiwalayan nila ni Jai Asuncion.

Sa isang Facebook post nitong Sabado, Pebrero 17, naglabas din ng pahayag si Aga tungkol sa hiwalayan nila ni Jai. Aniya, lahat ng pinagsamahan nila ay totoo.

"I know this is sudden, at hindi rin ito madaling sabihin. Gusto ko lang sabihin sainyo na me and Jai aren't together anymore, pero gusto ko lang malaman niyo na everything we had was real. Not because of clout, fame, or anything. Yung pinagsamahan at pagmamahalan namin ni Jai ay totoo and that will always have a special place in my heart," saad ni Aga.

Humingi rin siya ng pasensya sa kanilang mga tagasuporta.

Jai Asuncion sa break up nila ni Agassi Ching: 'I really tried my best for our relationship to work'

"Gusto ko lang rin humingi ng pasensiya sa lahat ng JaiGa Fam who supported us since the beginning, hanggang sa lumaki na ang pamilya natin, isa kayo sa naging source of strength and inspiration namin lalo na in times na nawawalan na ako ng pag asa. Maraming salamat," dagdag pa niya.

May be an image of text

photo courtesy: Agassi Ching/FB

Sa kabila ng break up, nagpasalamat pa rin si Agassi sa kaniyang ex-girlfriend at humingi rin siya ng sorry sa mga pagkukulang niya.

"For Jai, salamat sa lahat, alam ko napag usapan na natin to, pero thank you for for the best 4 years of my life.My time with you has been the BEST and you taught me a lot of things, made me a better man and made me believe that anything is possible.

"Sorry sa lahat ng pagkukulang ko sayo, sorry sa mga pangakong hindi ko natupad. You are truly one of a kind and you deserve nothing but the best, and kahit anong mangyari, I'm always here to support you sa lahat ng future plans mo. Thank you, Jajai, for everthing. Hanggang dito na lang," pagtatapos ng social media personality.

May be an image of text

photo courtesy: Agassi Ching/FB

Bukod kay Agassi, ibinalita rin ni Jai ang hiwalayan nila.

“I wasn’t expecting this to happen either because we were the happiest. Doing things together, achieving our dreams together. I really tried my best for our relationship to work. This won’t be easy for me as well because I know in myself how much I love him but I guess God has a better plan for us, for me."