Wala pa ring nanalo sa mahigit ₱137.2 milyong jackpot sa isinagawang draw ng Ultra Lotto 6/58 nitong Linggo, dakong 9:00 ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Katwiran ng PCSO, hindi rin nahulaan ang 6-digit winning combination na 55-01-20-03-58-10 kaya't inaasahang tataas pa ulit ang premyo ng naturang lotto game sa susunod na draw.

Ang naturang lotto game ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Matatandaang isang taga-Ligao City, Albay ang nanalo ng mahigit sa ₱571 milyon sa Ultra Lotto 6/58 nitong Enero 2 matapos mahulaan ang winning combination na 19-35-25-42-58-05, ayon sa PCSO.