Ibinahagi ni beauty queen at Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista kung paano nagsimula ang love story nila ng basketball player na si Ricci Rivero.

Sa isang bahagi kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Pebrero 16, nausisa ni Boy si Leren tungkol sa bagay na ito.

“Nag-start talaga, Tito Boy, during that feeding program, 'yon naman talaga. Doon ko rin siya nakita in person, nakausap din.”

Pero pag-amin ni Leren, nasupladahan daw siya kay Ricci sa kanilang unang pagkikita.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

“At first parang, 'A, okay artista nga talaga, artista talaga siya. Sorry po sa ibang ano [artista] parang ano suplado,” aniya.

Depensa naman ni Ricci, hindi raw niya sinadya ang ganoong impresyong nakita sa kaniya ni Leren.

“Hindi, Tito Boy. Alam niya kung ano ‘yong reasons n’on. Kilala niya naman na ako,” paliwanag niya.

Gayunpaman, nagkaroon pa rin naman daw ng pag-uusap ang dalawa na naging dahilan para magkamabutihan sila.

Samantala, nilinaw din ni Ricci sa nasabing panayam na wala raw sa plano ang kanilang pagkikita sa nasabing feeding program sa Los Baños.

“Actually, Tito Boy, hindi kaming dalawa ang nag-plan niyan. Ako, nagsabi lang ako do'n sa friend ko na kakilala dahil doon ako papunta sa kanila dahil galing ako sa Isabela that time and then sabi ko lang baka may kakila siyang puwedeng mag-organize,” lahad ni Ricci.

“Yearly ginagawa ko talaga siya before especially before the pandemic and the whole pandemic naman nag-try kami to help and give,” aniya.

Dugtong pa niya: “Doon lang siya talaga, Tito Boy. Hindi talaga namin planned. Hindi kami magkakilala before that, doon lang din kami nag-meet.”

Matatandaan kasi na matapos ang outreach activity ay nagsimulang maiugnay si Leren kay Ricci. Nagsalita naman ang una para pabulaanan ang nasabing paratang.

MAKI-BALITA: Leren Mae Bautista, nagsalita na hinggil sa umano’y ‘romantic involvement’ kay Ricci Rivero

Pero makalipas ang ilang buwan, inilantad nina Ricci at Leren ang kanilang relasyon sa publiko.

MAKI-BALITA: Ricci ibinunyag relasyon nila ni Leren Mae: ‘Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya’