Magkakaroon na ng mas mabilis at epektibong fiber internet sa bansa.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasunod ng inilunsad na Philippine Domestic Submarine Cable Network (PDSCN) sa Makati City nitong Huwebes.

“Spanning approximately 2,500 kilometers, it is now the longest and highest capacity domestic submarine fiber cable network in the country, connecting our islands in various touch points from the provinces of Quezon to Zamboanga,” anang punong ehekutibo.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Asahan na rin aniya ng publiko ang mas mabilis at mahusay sa serbisyo dahil na rin sa proyekto.

Binigyang-diin ng Pangulo na nasa tamang panahon ang proyekto sa gitna ng isinusulong ng gobyerno na digitalization na naglalayong iangat ang serbisyo ng pamahalaan at mapasigla pa ang ekonomiya ng bansa.

Kaugnay nito, muling tiniyak ni Marcos na ipatutupad ng gobyerno ang Ease of Doing Business Law upang hindi na mahirapan ang mga mamumuhunan sa transaksyon nila sa pamahalaan.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang Japan dahil sa nasabing proyekto at inaasahan pa niya na tuloy-tuloy ang pamumuhunan nito sa bansa.