May 22, 2026

Home BALITA National

SC, pinagkokomento si PBBM, ES Recto sa petisyong magpa-medical, hair follicle test

SC, pinagkokomento si PBBM, ES Recto sa petisyong magpa-medical, hair follicle test
Photo courtesy: MB, Bongbong Marcos/FB, Ralph Recto/FB


Nagbaba ng isang direktiba ang Korte Suprema kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Executive Secretary (ES) Ralph Recto na sumagot sa loob ng 10 araw kaugnay sa isang petisyong inihain laban sa kanila hinggil sa kalusugan ng Pangulo.

Kasunod ito ng petisyon para sa “writ of mandamus” na isinumite nina Pantaleon D. Alvarez, Virgilio R. Garcia, Juan C. Raña, at Raymundo L. Junia kaugnay sa kalusugan ni PBBM at kapasidad ni ES Recto sa kaniyang posisyon.

“The SC, without necessarily giving due course to the petition, directed respondents to comment within a non-extendible period of 10 days from receipt of notice,” mababasa sa petisyon.

Nasasaad din dito na humihiling ang petisyon na ilahad ang medical report ni PBBM upang matiyak ang kakayahan nitong gampanan ang kaniyang mga tungkulin bilang Pangulo ng bansa.

“The petition also seeks to direct the President to disclose and publish the medical report indicating the results of the examination, including medical and clinical confirmation of his physical and medical fitness to discharge the powers and duties of the Presidency,” anito.

Matatandaang nausisa ang kalusugan ni PBBM matapos itong ma-diagnose ng Diverticulitis noong Enero, at ang pagkalat ng impormasyon hinggil sa umano’y stage 4 cancer nito.

KAUGNAY NA BALITA: Ayaw na maranasan ang pain! PBBM, nag-iingat na sa pagkain dahil sa Diverticulitis

KAUGNAY NA BALITA: ‘Maayos po siya!’ Palasyo, pinasinungalingan isyung may sakit si PBBM

Bilang tugon, idiniin ni PBBM na siya ay nasa maayos na kalusugan. 

KAUGNAY NA BALITA: PBBM napa-jumping jack, hinamon mga bumabatikos sa kalusugan niya!

Samantala, naging usap-usapan din kamakailan ang umano’y paggamit ng Pangulo ng ilegal na droga, batay sa pahayag ng mismong kapatid niya na si Sen. Imee Marcos.

Isiniwalat niya ito sa ginanap na kilos-protesta ng religious group na Iglesia ni Cristo (INC) kamakailan, laban sa katiwalian at korapsyon.


MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na ‘gumagamit’ diumano ng droga si PBBM-Balita