Ibinahagi ng Kapuso star na si Dennis Trillo ang impluwensiyang dulot sa kaniya ng asawang si Jennylyn Mercado.

Sa latest episode kasi ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila nitong Huwebes, Pebrero 15, inusisa niya si Dennis tungkol sa bagay na ito.

“Did you change in any way by being with Jen?” tanong ni Karen. 

“Malaki po,” sagot ni Dennis, “malaki. Feeling ko, mas bumait ako. Mas nagkaroon ng direksyon ‘yong buhay ko. Dati kasi parang masyado akong happy go lucky. Wala akong masyadong plano.”

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Noong nakilala ko naman siya at noong kinasal na kami, parang siya ‘yong [...] nagpapalinaw no’ng dadaanan ko,” aniya.

Dagdag pa ng aktor, hindi raw talaga siya naniniwala dati sa kasal. Pero dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Jennylyn, niyakap niya rin kalaunan ang tradisyong ito ng marami.

“Isang way rin ‘yon para mapatunayan ko sa kaniya at sa mga tao ‘yong pagmamahal ko sa kaniya. Kaya kong baguhin ‘yong mga paniniwala ko na ‘yon para sa isang special na tao,” saad pa ni Dennis. 

Samantala, pabiro namang ibinuking ni Jennylyn na kaya raw hindi agad sila ikinasal ni Dennis ay dahil matagal daw bago nag-propose ang huli.

Pero katwiran ng aktor, napaka-covenant daw kasi ng kasal. Isa itong bagay na kapag sinimulang pasukin ay wala na raw dapat atrasan pa, na sinang-ayunan din naman ni Jennylyn.

Kaya naman hindi nakakapagtakang inamin ni Dennis sa isang hiwalay na panayam na umiiwas daw talaga siya sa tukso para sa mahal niyang asawa.

MAKI-BALITA: Dennis Trillo umiiwas sa tukso para kay Jennylyn Mercado