“Much better than flower bouquets.”

Kina-cute-an sa social media ang post ni Michie Fajardo, 29, mula sa Sta. Maria, Bulacan, tampok ang pusa nila ng kaniyang boyfriend na nagmistulang bouquet noong Valentine’s Day.

“Nakatanggap na po ba ng bouquet ang lahat ? Best bouquet ever ,” caption ni Fajardo sa kaniyang post sa Facebook group na CATS & KITTENS Philippines.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ikinuwento ni Fajardo na “Milo” ang pangalan ng kaniyang cute na pusa.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Naisip daw ng boyfriend ni Fajardo, na nagsisilbi ring fur daddy ni Milo, na gawing parang bouquet ang kanilang fur baby para mas mapasaya siya sa Araw ng mga Puso.

“His furdad set him up po since it was taken on Valentine’s Day. Since malambing naman po si Milo and hindi siya maldito, madali po siyang nagawang bouquet ng daddy niya. Pa-Valentine’s Day daw po. Much better than flower bouquets,” ani Fajardo sa Balita.

“Noong nabuo na po siya as bouquet, tuwang-tuwa lang po ako kasi sobrang behave niya while naka-wrap siya. Kaya po ang dami niyang cute photos,” dagdag pa niya.

Samantala, habang sinusulat ito’y umabot na sa mahigit 15,000 reactions, 711 comments, at 6,400 shares ang naturang post ni Fajardo tungkol kay Milo.

Narito ang ilang mga komento ng netizens:

“Saan po nabili ang gantong kakyot na bouquet 😭😭😭😭.”

“Cute cute mingming 😊😊.”

“Kacute naman ng bouquet na yan 😻😻😻.”

“Kahit wala nang bulaklak, basta ganiyang bouquet matanggap ko👏👏👏❤️❤️❤️ .”

“YES THIS IS WHAT I NEEEDD.”