Isang magnitude 4.6 na lindol ang tumama sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng umaga, Pebrero 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:58 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 16 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur, na may lalim na 23 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa City of Bislig, Surigao del Sur.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.