Dinagsa ng mga mamimili ang ibinebentang ₱25 per kilo ng bigas sa Iligan City kamakailan, ayon sa National Food Authority (NFA).

Sa social media post ng NFA Lanao del Norte, bahagi lamang ito ng kanilang Serbisyong Iliganon Caravan sa Barangay Poblacion na may layuning mailapit sa publiko ang pangunahing bilihin.

Mahigit sa 400 residente ang nakabili ng bigas sa naturang Kadiwa ng Pangulo center. 

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Limitado hanggang apat na kilo ang mabibili ng bawat residente.

Isinagawa ang hakbang sa pakikipagtulungan ng Iligan City government, dagdag pa ng NFA.