Hindi raw bahagi ng plano ni Kapamilya star Daniel Padilla ang pakikipagrelasyon ngayong 2024.

Sa latest episode kasi ng On Cue nitong Martes, Pebrero 13, inusisa ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe si Daniel tungkol sa bagay na ito.

“Is looking for love is part of 2024?” tanong ni MJ.

“No,” mabilis na sagot ni Daniel, “definitely not. Love for human nature, ‘yon lang ang hinahanap ko.” 

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Ayaw ko munang isipin ‘yon. Trabaho muna ako. Wala muna akong love life. I wanna work on myself. I need to love myself first,” aniya.

Samantala, nang tanungin naman si Daniel kung paano niya ipagdiriwang ang Valentine’s day, hindi niya alam ang kaniyang isasagot.

Gustuhin man daw kasi niyang lumabas kasama ang kaniyang mga kapatid, nag-aalinlangan naman siya dahil tila may date na ang mga ito.

Sey tuloy ni MJ: “So, ikaw na ngayon ang nasa bahay. Baligtad na, a.”

Matatandaang sinabi ni Daniel sa kaniyang contract signing kamakailan na ang mga kapatid niya raw ang kasa-kasama niyang mamundok noong mga panahong tila puro gulo ang nasa paligid.

MAKI-BALITA: Sa gitna ng kaguluhan: Daniel, namundok kasama ang mga utol