Marami ang nakapansin sa chemistry ng mga Kapamilya actor at actress na sina Janine Gutierrez at Enrique Gil.

Sa latest episode kasi ng ASAP Natin ‘To noong Linggo, Pebrero 11, nagkaroon ng big comeback si Enrique kung saan siya sumayaw ng “Teach Me How To Dougie” at nag-promote na rin ng kaniyang pelikulang “I Am Not Big Bird.”

Matapos ang nasabing pagtatanghal, nagkaroon sila ng encounter ni Janine kasama ang Kapamilya singer na si Erik Santos na co-host ng huli.

https://twitter.com/AltKapamilyaCH/status/1756553276194218377

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa isang bahagi ng show, tila hindi napigilan ni Enrique na humanga sa taglay na ganda ni Janine. Bagama’t hindi malinaw na maririnigi, may nag-assume na ganito ang sinabi ni Enrique sa aktres: “You're so gorgeous, grabe.”

“Ohh! Thank you,” sagot naman ni Janine

Kaya naman, umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing interaction ng dalawa sa ASAP. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Ayy bet ang Enrique x Janine project ❤️”

“Enrique and Janine in one frame pls 🥰”

“Wait… may chemistry si Enrique at Janine 😏 #WeHeartASAP”

“Enrique finds Janine gorgeous. In fairness, they also have chemistry.”

“First time seeing Enrique and Janine beside each other onscreen and brooo they look beautiful together??!! 🙈 the way he looked at her while she was kinda shy haha it was cute 🥰 hoping for a project together!! 🤞”

“hoyyyy nakakakilig iyong interaction ni Janine at Enrique dito omygoodness parang kinikilig si Janine 😅 #EnriqueGil”

“Grabe din titig ni Enrique kay Janine haha”

“My God bakit kinikilig a ko kay Enrique at Janine nagandahan siguro si Quen kay Janine kaya napa thank you si Janine.”

“Pustahan magiging mag jowa si Enrique Gil at Janine Gutierrez…grabe ang tingin ni ken kay Janine ha”

Kung sakali mang magkatotoo nga ang mina-manifest ng mga netizen, wala naman sigurong masama. Mukhang pareho naman silang bukas sa ganoong posibilidad lalo na’t ang partner ni Enrique na si Liza Soberano ay naka-focus sa tinatahak na career sa Hollywood at ang rumor boyfriend naman ni Janine na si Paulo Avelino ay kasalukuyang katambal si Kim Chiu sa mga project nito.