Sa pagdiriwang ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ng kaniyang ika-100 na kaarawan sa Miyerkules, Pebrero 14, malamang marami na namang memes tungkol sa kaniyang edad ang lalabas sa social media. 

Pero ayon sa kaniyang apo, aware si Enrile sa mga hirit sa social media tungkol sa kaniya.

Sa panayam ng ilang entertainment media, ibinahagi ng apo ni Enrile na si Tiana Kocher na nakikita nila ang lahat ng memes sa social media at sine-send pa raw nila ang ilan sa mga ito sa kanilang family group chat.

Natatawa na lamang naman daw si Enrile sa mga hirit ng netizens tungkol sa kaniyang edad kahit hindi raw niya naiintindihan ang iba sa mga ito, tulad na lamang ng meme tungkol sa kaniya at sa KathNiel o ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nauwi sa hiwalayan pagkatapos ng 11 taong relasyon.

THROUGH THE YEARS: Mga pangulo ng Pilipinas na naabutan ni Juan Ponce Enrile

“We see all the memes. We share a lot about it in our family group chat. My favorite one is that I saw this tweet about ‘JPE outlives KathNiel’. That’s my favorite,” ani Kocher.

“But I don’t think he understands it, like the humor… I don’t think he knows what KathNiel is,” dagdag niya.

Samantala, ang isa naman daw na meme na alam at kinaaliwan ni Enrile ay ang tungkol sa in-edit na larawan nito kasama ang dinosaur.

“He likes that one. He laughs at it,” aniya.

Noong Pebrero 14, 1924, nang ipanganak si Enrile sa Gonzaga, Cagayan. Anak siya nina Alfonso Ponce Enrile at Petra Furugganan.

MAKI-BALITA: Isang siglong Enrile

Kaugnay na Balita: