Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Martes ng umaga, Pebrero 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:34 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 63 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 26 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Intensity II - City of General Santos, SOUTH COTABATO; Glan, SARANGANI

Intensity I - Polomolok, Tupi, at T'Boli, SOUTH COTABATO; Kiamba, Malungon, at Alabel, SARANGANI

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.