Binalikan ni Kapuso star Barbie Forteza ang alaala ng kaniyang mga hindi naipasang audition nang kapanayamin siya sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Pebrero 12.

Sa isang bahagi kasi ng panayam, tinanong ni Boy si Barbie tungkol sa bagay na ito.

“Barbs, ikaw? Mayroon kang pinagdaanang ganoon? You auditioned tapos hindi ka nakuha? usisa ng Asia’s King of Talk.

“Opo naman,” pagkumpirma ni Barbie.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

“What do you remember?” tanong pa ni Boy.

“‘Yong tatlong unang teleserye ni Miss Marian Rivera nag-audition po ako as young. ‘Yong ‘Marimar,’ ‘Dyesebel,’ saka ‘Darna,’” kuwento ni Barbie.

“‘Yong una, ‘Marimar’ ‘di po ako natanggap kasi takot ako sa aso noon. E, ‘di po ba may Pulgoso? Number two, ‘Dyesebel.’ Hindi ako marunong lumangoy. Ganda lang ang abot ni girl. E, medyo ‘yon ang point ng show. Medyo dapat marunong kang lumangoy,” aniya.

Dagdag pa ng aktres: “Noong ‘Darna’ naman po, takot naman ako sa heights. Hindi naman pwedeng lumipad. Hindi ko rin alam kung bakit ako nag-audition.”

Gayunpaman, nakakatuwa pa rin daw balikan ang mga ganitong klaseng karanasan sabi ni Boy.

“Because that makes you grateful to be where you are today. But at the same time, not knowing that you’re inspiring a lot of young people out there who are still trying,” paliwanag nya.

Samantala, nakatakdang ipalabas ngayong taon ang kanilang historical action-drama na pinamagatang “Pulang Araw” kung saan makakasama rin nina Barbie at David Licauco sina Sanya Lopez at Alden Richards.