Hindi nakalimutan ni Kapamilya star Daniel Padilla na magpaabot ng pasasalamat kay Kathryn Bernardo sa kabila ng kinahantungan ng kanilang relasyon.

Sa ginanap na contract signing ni Daniel sa ABS-CBN nitong Lunes, Pebrero 12, pinasalamatan niya ang ex-girlfriend sa maraming taon na pinagsamahan nila.

“Syempre, hindi ko pwedeng kalimutan si Kathryn. Maraming-maraming salamat, Kathryn, sa ating maraming taon na pinagsamahan,” saad ni Daniel.

“Hinding-hindi mawawala sa puso ko ang magaganda nating memories. At ang ating mga adventures at journeys na pinagsamahan. Thank you very much,” aniya pa.

Bukod kay Kathryn, isa-isa ring pinasalamatan ni Daniel ang kaniyang mga tagahanga, kaibigan sa loob at labas ng showbiz, at syempre ang kaniyang pamilya.

Giit ni Matibag: NBI ang inaatake, hindi Senado!

Matatandaang Nobyembre noong nakaraan taon ay kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang hiwalayan sa pamamagitan ng kani-kanilang social media accounts.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn