Hiningan ng reaksiyon si Asia’s King of Talk Boy Abunda kaugnay sa inilabas na joint statement nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Sa isang bahagi kasi ng pahayag, tila may pasaring si Bea sa nagkumpirma ng hiwalayan nila ni Dominic nang wala umanong consent nilang dalawa.

Ayon sa ulat ng GMA News nitong Lunes, Pebrero 12, nagpaunlak daw ng panayam si Boy sa ginanap na contract signing nito sa nasabing TV network kaya nagkaroon ng pagkakataong matanong ang King of Talk hinggil dito.

“Ganito ang posisyon ko. I promised myself and I promise my concerned friends and good sources that for now I'm not going to comment,” saad ni Boy.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“There's so much pain that's being experienced by the parties involved and even pain deserves respect,” aniya.

Dagdag pa niya: “But is it tantamount that I'm not going to make a comment? No. But there's a time to speak and there's a time to shut up. Right at this moment, I'm choosing to shut up. But not for long.”

Matatandaang si Boy ang nagkumpirma ng hiwalayan nina Bea at Dominic sa programa nitong Fast Talk with Boy Abunda nitong Pebrero 6.

MAKI-BALITA:  Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!

In fact, inispluk pa ni Boy na isinauli na raw ni Bea kay Dominic ang engagement ring na ibinigay nito sa aktres. 

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, isinauli ang engagement ring kay Dominic Roque

Samantala, pumalag naman ang showbiz columnist na si Cristy Fermin kaugnay sa naging pasaring ni Bea sa nasabing joint statement.

MAKI-BALITA: Cristy pumalag sa pasaring ni Bea tungkol sa naispluk na breakup