Isang magnitude 4.3 na lindol ang tumama sa probinsya ng Catanduanes nitong Lunes ng umaga, Pebrero 12, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:30 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 72 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Gigmoto, Catanduanes, na may lalim na 25 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

VP Sara sa PMA graduates: ‘Wag maging kasangkapan ng pagtatraydor ng mga nasa kapangyarihan’

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.