Inaasahang makararanas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa ngayong Lunes, Pebrero 12, dahil sa northeast monsoon o amihan, shear line, at easterlies, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Eastern Visayas, Capiz, Aklan, Iloilo, Bicol Region, at Romblon dahil sa shear line at easterlies.

Ayon sa PAGASA, ang shear line ay ang “boundery line” kung saan nagsasalubong ang malamig at mainit na hangin, habang ang easterlies naman ay ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko.

Pinag-iingat ang mga residente sa nasabing mga lugar dahil sa posible raw pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Samantala, malaki naman ang tsansang makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang katamtamang pag-ulan sa Cagayan Valley, Bicol Region, Kalinga, Apayao, Aurora, at Quezon dahil sa malamig na hanging amihan.

Bukod dito, inaasahan ding magdadala ang amihan ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mahihinang pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at mga natitirang bahagi ng Cagayan Valley.

Wala namang inaasahang matinding epekto ang mga magiging pag-ulan dito.

Samantala, inihayag din ng PAGASA na maaaring makaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Sa kasalakuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).