Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP)-Public Affairs Office Chief, Colonel Xerxes Trinidad nitong Lunes at sinabing nakahimpil na ang dalawang eroplano sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Inaasahan aniyang gagamitin na ngayong Lunes ang dalawang air asset ng Amerika upang maghatid ng tulong sa pamilyang apektado ng kalamidad sa Masara, Maco, Davao de Oro.

Aniya, dalawang biyahe ang target na maisagawa ng bawat eroplano upang mapabilis ang paghahatid ng tulong sa naturang lugar.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

"The US Marines from the III Marine Expeditionary Force will assist with the ongoing disaster relief mission with troops from the Marine Air Group 12, 1st Marine Aircraft Wing delivering essential supplies for distribution," dagdag pa ni Trinidad.