
(Manila Bulletin File Photo)
₱52.3M Grand Lotto jackpot, walang nanalo
Walang nanalo sa 6/55 Grand Lotto draw nitong Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Binanggit ng PCSO, hindi naiuwi ang jackpot na ₱52,353,967.80 matapos mabigong mahulaan ang 6-digit winning combination na 29-04-54-38-12-39.
Madadagdagan pa ang premyo nito sa susunod na draw, ayon sa ahensya.
Nitong Enero 17, 2024, tinamaan ng isang mananaya ang pinakamalaking jackpot na ₱698.8 milyon sa draw ng 6/55 Grand Lotto.