Nagbigay ng latest update si ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe tungkol kay “It’s Showtime” host Kim Chiu nitong  Biyernes, Pebrero 9.

Sa Facebook post ni MJ, nagpaabot siya ng pagbati kay Kim dahil nakalabas na raw ang TV host-actress.

Batay kasi sa naunang Facebook reels na ibinahagi ni MJ, hindi makalabas si Kim sa lobby ng ABS-CBN dahil tila may problema ang card na ipinapasok niya sa entrance and exit machine.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Waiting for you na sumalang na sa 'EXpecially For You' eme,” pabirong hirit naman ni MJ sa caption ng kaniyang post.

Ang “EXpecially For You” ay isang segment sa “It’s Showtime” kung saan muling magtatagpo ang dating mag-jowa para tulungan ang isa sa kanila na matagpuang muli ang bagong pag-ibig.

Kagagaling lang kasi ni Kim sa hiwalayan noong Disyembre 2023 matapos nilang kumpirmahin ni Xian Lim ang tungkol dito sa pamamagitan ng kani-kanilang social media accounts.

MAKI-BALITA:‘End of a Love Story!’ Kim Chiu kinumpirmang hiwalay na sila ni Xian Lim

MAKI-BALITA: Xian kay Kim: ‘No goodbyes here, I’ll see you around’

Nagpahayag naman ng excitement ang mga netizen kung sakali mang mangyari ang pagsalang Kim sa nasabing segment. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“TRENDING TOHH PAG NAG KATAON LAHAT NASA SHOWTIME. HAHAHAH EXCITING😍🤩🤩🤩♥️”

“Trending to sa showtime go Kimmy. Tapos ibahin ang boses para di nya alam.”

“sana matuloy talaga yan. Numberone trending tlgaaaa to. Kc lahat tototok sa showtime, mygod.xcited na ang lola nio😂😂”

“Abangan ko tlga Ang pag salang ni Kim sa expecially for you love you Kimmy 💝💝💝”

“Cant wait to watch it!im always watching here in taiwan...much better if c gerald mas lalo taas ratings...😍😍😍”

“#trendingtopic na yan 🤣🤣Go Kimmy ikaw na susunod 😁plssss 🙏🙏”