Sumalang ang Kapamilya actress na si Xyriel Manabat sa latest episode ng “On Cue” ni Gretchen Fullido ng ABS-CBN News. 

Sa isang bahagi ng panayam noong Huwebes, Pebrero 8, inusisa ni Gretchen ang tungkol sa pagtalikod ni Xyriel sa showbiz.

"Xyriel, I know you took a break from acting. When was that?" tanong ni Gretchen.

"From 2017 po to 2023," sagot ng aktres.

Mangingisda, patay matapos bumara sa lalamunan ang buhay na isda

"That's pretty long,” saad ni Gretchen. “Is it because you went back to school? Why did you take a break? Kasi nasa peak ka na ng career mo noon, e. And then mahirap gawin ‘yon, ha, na talikuran mo muna ang showbiz to focus on something else." 

"Siguro po ang totoong reason ko noon is gusto ko pong mabuhay nang regular, mabuhay nang normal. Gusto ko pong gumising ako ng walang schedule, pumunta ako sa mall ng walang magpapa-picture, nang hindi dahil sa mall show, nang hindi dahil may work," paliwanag ni Xyriel.

"Gusto ko pong gumising na sa school ako pupunta, hindi sa call time. Gusto ko po 'yong alarm ko, hindi sa pull out papunta sa location pero susunduin ako ng service," dagdag pa ng aktres.

"Hindi ako a-absent sa school, 'yon po 'yong goal ko no'n sa loob ng six years na 'yon, isang school year lang na hindi ako a-absent," pahayag pa ni Xyriel.

Kaya naman, hindi nakapagtataka na naging consistent honor student si Xyriel pagtuntong niya noong high school. In fact, nakatapos daw siya ng salutatorian.

Pero sa muling pagbabalik ni Xyriel, hindi naman naging madamot ang tadhana sa kaniya. Tila nadagdagan pa ngang lalo ang mga bumilib sa kaniya lalo na nang gumanap siya bilang “Tonet” sa “Dirty Linen” at Roxanne sa “Senior High.” Pinatunayan din naman kasi niya na karapat-dapat siya sa mga papuri at paghangang natatanggap. 

MAKI-BALITA: Xyriel Manabat bilang Tonet sa ‘Dirty Linen’: ‘She’s more than just her number of followers’