Halos ₱190 milyong halaga ng humanitarian assistance ang naipamahagi na ng pamahalaan sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad sa Mindanao.

Sa social media post ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 282,561 Family Food Packs (FFPs) ang naipamahagi na nila sa mga naapektuhan pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa sa DSWD XI (Davao Region).

Ang humanitarian aid ay napakinabangan na ng mga naapektuhan ng kalamidad sa Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Davao Oriental, at Davao Occidental.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Tiniyak pa ng ahensya na tuluy-tuloy ang pamamahagi nila ng tulong Davao Region hangga't hindi pa nakababangon ang mga residente sa epekto ng kalamidad.