Isang magnitude 4.4 na lindol ang tumama sa probinsya ng Davao Occidental nitong Biyernes ng umaga, Pebrero 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:53 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 428 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 140 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.