Inaasahang makararanas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa ngayong Biyernes, Pebrero 9, dahil sa northeast monsoon o amihan at easterlies, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang katamtamang pag-ulan sa Batanes at Cagayan dahil sa amihan.

Bukod dito, inaasahan ding magdadala ang amihan ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mahihinang pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at mga natitirang bahagi ng Cagayan Valley.

Wala namang inaasahang matinding epekto ang mga magiging pag-ulan sa mga nasabing lugar.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Samantala, maaaring makaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa easterlies, o ang mainit na hanging nanggagaling sa karagatang Pasipiko, at sa localized thunderstorms.

Sa kasalakuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).