“MRT = May Right Timing?”

Tila pinaaga na ang Valentine’s Day ng isang couple matapos mag-propose ang lalaki sa kaniyang girlfriend sa love booth ng Department of Transportation Meto Rail Transit Line-3 (DOTr MRT-3) sa Ayala Station sa Makati City nitong Huwebes, Pebrero 8.

Ito ay sa gitna ng paglulunsad ng DOTr ng “Love Train” para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ngayong Pebrero.

Sa Facebook post ng DOTr MRT-3, kukuha lamang daw sana ng litrato ang couple na sina Mac Tolentino at Yen Flores sa photo booth ng MRT-3 nang biglang mag-propose ang una.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

“Ani Tolentino, napagpasiyahan na niyang ituloy ang proposal na dapat sana'y mamayang hapon dahil sa nakakakilig na eksena sa photo booth saliw ng harana ng MRT-3 staff,” kuwento ng DOTr.

Sinuklian naman daw ni Flores ang engagement proposal ni Tolentino ng matamis na “oo” na may kasamang yakap at halik.

“Totoo ngang sa MRT-3, May Right Timing! Ang FEB-IBIG ay real na real sa MRT-3,” saad ng DOTr.

Congratulations, Lovebirds!