Makalipas ang ilang araw ay ngayon lang nag-post ng clips at appreciation message si Kapamilya Superstar Kathryn Bernardo sa naganap na contract renewal niya sa Star Magic at ABS-CBN.

Madamdamin ang naging mensahe niya para sa Kapamilya Network dahil tila ang pagpirma niyang muli ng kontrata ay pagpapakita ng pagmamahal niya sa home network na nag-alaga sa kaniyang career sa loob ng 20 taon.

Wala raw siyang masasabi sa network kundi gratitude o utang na loob.

"Signed and sealed with love. Nothing but gratitude for the network that’s been my home for 20 years!," aniya.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

"I’ll always be here for you, ABS-CBN! Will never forget this day. 🥹"

Sa panayam sa kaniya ni MJ Felipe pagkatapos ng contract signing, inamin ni Kathryn na may mga dumating na offer sa kaniya mula sa ibang management at network, pero wala raw siyang ibang pinili kundi ABS-CBN lang.